Aswang Territory (11)
Gilda Olividado (Pang-masa) - January 10, 2016 - 9:00am

NAPAURONG na naman si Armani dahil sa inidorong mga korteng pangil ang kanyang uupuan.

Nakita siya ng maid na hindi pa nakaalis. “Sir? May problema ba? Mukhang takot kayo.”

“W-wala na bang ibang CR?”

“Lahat po naman na CR dito sa mansiyon ay pare-pareho nang itsura. Pero teka ho, hindi ho kayo dapat matakot kasi …”

At may binuksan na switch ang maid na aswang pero napakaganda naman.

Bumaha ang dilaw na liwanag mula sa lahat na sulok ng CR. May dancing light pa sa mga gilid ng inidoro at may disco sound.

“Wow …”

“O, takot pa ho kayo?”

“Hindi na … ang galing naman pala ng comfort room ninyo. Puwedeng sumayaw at saka ang ganda ng liwanag, masarap sa mata.”

Ngumiti nang matamis ang maid at lalo itong gumanda.

Pero para kay Armani wala nang tatalo pa sa ganda ng kanyang pinakamamahal na si Avia.

“Sige po, Sir … gamitin n’yo na ang CR. Tapos gusto n’yo bang hintayin ko kayo rito sa labas para may maghahatid sa inyo sa dining room? Magdi-dinner na po kasi narinig n’yo naman kanina ang sinabi nina Senyor at Senyora.”

“Uhm, nakakahiya naman. Mahahanap ko na ang dining room. Sige na, puwede mo na akong iwan.”

“Sigurado kayo, Sir na hahanapin ninyo … mahahanap ninyo?”

“Oo naman. Alam kong napakalaki ng mansiyon na ito pero kaya ko nang hanapin.”

“Kayo po ang bahala, Sir.” At umalis na ang maid matapos ngumiti uli nang magalang at matamis.

Parang nakakalimutan ni Armani na siya ay nasa mansiyon ng mga aswang dahil sa saya ng atmosphere ng comfort room nina Avia. Pagkatapos ng ginawa, alam na niya kung paano patayin ang lahat na liwanag sa CR. Pinindot din niya ang switch na pinindot kanina ng maid.

At malamlam na liwanag ang natira sa comfort room. Hindi na lang tiningnan ni Armani ang inidorong ang design ay mga pangil sa tabi.

Namili siya … kanan o kaliwa nang mansiyon. Para makapunta siya sa dining room. Hinulaan na lang niya. Kaliwa. Doon siya lumakad. May nakita siyang entrance, doon siya pumasok. Ang nabungaran niya ay bangkay ng lalaki na warak ang dibdib. Itutuloy

ACIRC ALAM ANG ARMANI AVIA BRVBAR BUMAHA HINULAAN NAMAN PERO SIGE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with