Mas Bata ang BF

Dear Vanezza,

Ako si Bing, 46 years old at 5 years ng biyuda. Namatay sa sakit ang mister ko at wala kaming naging anak. Buy and sell ng kung anu-anong kalakal ang pinasok kong trabaho at sinuwerte naman ako sa hanapbuhay kong ito. Hanggang sa nakapasok ako sa mga real state business na nagpayaman sa akin. Tuwing weekend ay naging pinakalibangan ko ang ballroom dancing. Dito ko nakilala si Andy, 26 years old, isang dance instructor. Niligawan niya ako at sinagot ko siya. Parang nagbago at mas naging  makulay ang aking mundo. Ngayo’y maligaya ako sa aming relasyon. Ang problema ko ay ang aking mga kapatid at ibang kaanak na tutol sa aming relasyon. Kinukuwartahan lang daw ako ni Mandy. Nasasaktan ako dahil mahal ko siya. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Bing,

Sa edad mo ay malawak na ang iyong karanasan sa buhay at alam mo na ang masama at mabuti. Hindi maiaalis sa isip ng tao na sa agwat ng inyong edad ay posibleng gusto ka lang gawing gatasan ng iyong bf. Pero buhay mo iyan kaya malaya kang gawin ang gusto mo basta’t wala kang pineperwisyong iba.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments