Piktyur Piktyur!

Madalas maging problema ng mga kababaihan ang kanilang appearance sa picture.

Parang may mali o kung di naman kaya ay nagmumukha tayong mataba. May paraan kaya para iwasan ito at maging picture perfect at selfie pa more kasama ang barkada at kapamilya? Maraming paraan para iwasan ito at “madaya”.

Una, ayusin ang inyong postura kapag magpapakuha ang litrato lalo na kapag full body, ‘wag kukuba-kuba at sanayin ang sarili na tumayo ng tuwid o ‘di kaya naman ay lagyan ng kaunting kembot ang beywang. Pangalawa, habaan ang leeg, oo, mag-anyong giraffe. Sa paraan na ito ay magkakaroon ng ilusyon na mahaba at payat ang inyong katawan.

At panghuli, guma­mit ng darker color o itim na damit. Nakakatulong kasi ito para i-minimize ang fats.

Oh ‘di ba? Mag-feeling model na sa tamang pose sa picture!

 

Show comments