Kapalaran sa Pinansiyal (Last Part)

Birthdate: 6, 15, 24

Mabilis humanap ng pagkakakitaan. Madalas ay dumarating ang pera nila mula sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Kapag nagigipit ay mabilis makadelihensiya ng pera. Bukod sa taong 2, 11, 20, 29, mga taong 6, 15, 24 ay sinusuwerte rin na makatagpo ng asawang mayaman.

7, 16, 25

Ang pera ay nakukuha sa pamamagitan ng tiyaga at pagkakaroon ng positibong pananaw. Karamihan sa kanila ay hindi materialistic. Yumayaman sila kung kailan matanda na—mga 50 anyos pataas.

8, 17, 26

Kadalasan ay malaki ang kinikita. Sa isang research na ginawa ng isang numerologist sa Amerika, karamihan sa mga multimillionaires ay taong 8, 17, 26.  Pero sa lahat ng numero (1 – 9), sila ang madalas daw ninanakawan ng kanilang mga utusan o tauhan.

9, 18, 27

Mabilis ‘gumawa’ ng pera. Kumbaga, katakot-takot munang hirap ang pagdadaanan ng taong 8 bago maging mayaman pero hindi ang taong 9. Kontrolado niya ang kanyang kapalaran. Alam niya kung kailan siya dapat maging sigurista at kung kailan dapat sumugal. Tiyak na tiyak niya ang kanyang mga hakbang—uurong ba o susulong sa laban ng buhay.

Show comments