^

Para Malibang

Island of the undead (152)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PATULOY pa rin si Reyna Miley sa pagdadasal nang tahimik sa kanyang maitim na panginoon.

Kalagan n’yo na ako. Gamitin n’yo na ang kapangyarihan ninyo! Pagkatapos ninyo akong kalagan ay gagawa agad ako ng maramng higanteng undead na sundalo! Para titiris sa mga taong ito!”

PATULOY pa rin si Miley sa paulit-ulit na pagdasal ng Lord’s Prayers at mga dasal para kay Mama Mary. Pati ang Apostle’s Creed.

Nararamdaman pa rin niya ang mga ihip ng hangin na parang lumilinis sa karumihan at kaitiman ng chamber.

NAIINIP na si Reyna Miley.

Wala pa ring palatandaan na siya ay napapakinggan na ng kanyang masamang panginoon.

Kaya nilakasan na niya ang pananalangin. Dinig na dinig ni Lorenz at mga kasamahan. Matatag pa rin silang nagbabantay.

“Panginoon ng kadiliman, aking hari at sinasamba ... kalagan n’yo na ako nang kusa! Para magamit ko ang aking mga kamay sa pagkumpas at makagawa ako ng mga higanteng sundalo para pumisat sa mga tao dito!”

SI Miley ay buong kapayapaan pa ring nagdadasal. Walang kapaguran.

Ang imahe ni Satanas sa kanyang likuran ay lalong pumupula ang mga mata, lumilikot ang mga ito. Sumisingasing. Nagagalit.

Gustong pigilan sa pagdadasal si Miley.

Pero hindi nito magawa, wala itong kapangyarihan na patigilin si Miley. Sa ngayon ay napakalakas ng kapangyarihan ng Diyos.

Dahil sa taimtim na pagdadasal ng isang dalagang napakabait at napa­katapang.

Kaya hindi matulungan ng imahe ng kasamaan ang alagad niyang reyna dahil nahaharangan ito ng mga dasal ni Miley.

NAGWAWALA na si Reyna Coreana. Sumisigaw na. Galit na galit.

“Aking panginoon ng kadilimaaaan! Pakawalan ninyo akoooo! Gusto kong puksain ang mga taong ito na kaylakas ng loob na ako ay bihagin! Dapat mamamatay ang mga itooooo! Pakawalan ninyo akooooo!”

“Lorenz, hindi siya pinapakinggang ng amo niyang masama!”

“Siguradong may kinalaman ito ng kung ano mang ginagawang paglaban ngayon ni Miley sa puwersa ng kasamaan. Sana matulungan natin si Miley!”

“Bakit hindi tayo magdasal habang naglalaban ang kasamaan at kabutihan, Lorenz? Baka ito lang ang makakatulong kay Miley?” Itutuloy

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAKIT

KAYA

LORENZ

MAMA MARY

MGA

MILEY

PAKAWALAN

REYNA COREANA

REYNA MILEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with