Kayabangan bawas pogi points

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Randy, 21 yrs. old at isang college student. Gusto ko lang itanong kung talaga bang may mga taong ipinanganak na talunan? Feeling ko kasi isa ako dun dahil tuwing may nililigawan ako basted agad ako.

Para bang mailap sa akin ang mga babae. Min­san pa lang ako nagka-girlfriend pero hindi nagtagal. One week lang ay bigla na lang nakipag-break sa akin at hindi ko alam ang dahilan. Hindi naman ako pangit pero parang laging paiwas sa akin ang mga chicks. Nahihiya tuloy ako sa mga kabarkada kong lalaki dahil ako lang ang walang syota sa kanila. Sabi naman ng kaibigan ko ay mayabang daw ako.

Sana’y mabigyan ninyo ako ng advise.

Dear Randy,

Ang sobrang kayabangan ay nakakabawas sa kagandahan ng isang tao. Kahit guwapo at matalino ang isang lalaki kung masyadong maporma o epal, nati-turn-off ang mga girls. May mga hindi kaguwapuhan pero lumalakas ang appeal dahil naman sa sense of humor at mahusay na pakikisama.

Mabuting tanungin mo rin ang mga close friends mo at baka may ugali kang kinaiinisan. Kung minsa’y hindi natin nakikita ang mga positive at negative traits natin at kadalasan ibang tao pa ang nakakapuna nito. Pero natitiyak ko na may magaganda kang katangian na hindi lang nadidiskubre ng mga girls kaya ‘wag kang malungkot. Hindi pa lang marahil dumarating ang tamang babae para sa’yo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments