Super Suka (3)

6-Buhusan ng suka ang “unwanted  grass” sa “walks” at “driveways”. Tuluyang mamamatay ang mga damo at hindi na ulit tutubo. Tingnan ang kasamang larawan.

7-Paano mapatatagal ang “freshness” ng bulaklak sa flower vase? Sa 4 cups  na maligamgam na tubig, ihalo ang 2 tablespoon white vinegar + 3 tablespoon sugar. Ilagay sa flower vase. Kailangang ang vinegar mixture ay aabot hanggang 3 to 4 inches sa stem ng bulaklak. Doblehin ang recipe ng vinegar mixture kung kukulangin.

8-Basain ng suka ang basahan. Ito ang ipantanggal sa dumi na dumikit sa aquarium.

9-Mag-spray ng suka sa area na paboritong tulugan, kutkutin o lakaran ng mga pusa. Ayaw nila sa amoy ng suka.

10-Mabilis ma­ta­tanggal ang mabahong amoy ng aso kung papahiran ng suka  ang kanilang balahibo. Banlawan ng tubig.

11-May ugali ang mga manok na nagtutukaan sa isa’t isa. Ito ang paraan ng pambu-bully nila. May pagkakataong tinutuka ng manok ang balahibo ng kapwa manok hanggang sa mabunot ito. Upang maiwasan ito, haluan ng kaunting apple cider vi­negar ang kanilang inumin.

Show comments