10 Maling Paniwala (last part)

…tungkol sa pangangalaga ng kutis

7-Huwag gagamitin ang hand sanitizer bilang panlinis sa mukha. Iba ang timpla ng panlinis para sa kamay. Mayroon itong sangkap na makakasira ng kutis sa mukha.

8-Ang acne or pimples ay hindi infection kaya walang dahilan para haluan ng antibiotic capsule ang inyong facial cleanser.

9-Maling gamitin ang toothpaste para gamutin ang acne. Mawawala ang pamamaga pero magreresulta ito ng skin irritation.

10-Hindi matatanggal ng virgin coconut oil ang wrinkles. Oo nga at itinuturing na miracle product ang coconut oil pero ayon kay Melissa K. Levin, MD, isang board-certified dermatologist at physician sa Marmur Medical in New York, ito ay maga­ling lang na moisturizer pero hindi nagtatanggal ng dati nang wrinkles.

Mas mainam na gumamit ng moistu­rizer bago magkaroon ng wrinkles kaysa gagamit lang kapag nariyan na ang kulubot.

Show comments