Baka paglaruan lang

Dear Vanezza,

Kabi-break lang namin ng bf ko dahil hindi ko tiyak kung isa lang ako sa mga babaeng gusto niyang paglaruan. Magkasama kami sa office at dun na kami nagkakilala, nagligawan at nagkarelasyon. Kinausap ako ng common friend namin na kasamahan din sa opisina. Gusto raw ng ex-bf ko na makipagbalikan sa akin. Pero alam sa buong office namin na bukod sa akin, mayroon pa siyang ibang mga gf in the same building. Balita ko, lahat sila’y nakuha na niya. Noon pa man gusto niyang magkaroon kami ng pre-marital sex pero tumatanggi ako. Makikipagbalikan ba ako sa kanya? - Lovie

Dear Lovie,

Panindigan mo ang desisyon mo. Maging matalino ka para huwag mapahamak. Ang ganyang tipo ng lalaki ay walang karapatang ibigin ng babae kaya huwag kang padala sa kanyang panunuyo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments