Bundok Manlalamon
(Pang-masa) - October 20, 2015 - 10:00am

Bundok Manla­lamon kung tawagin ng matatanda noon ang isang bundok sa bayan ng San Miguel, Bulacan.

Nanlalamon daw kasi ang lupa ng naturang bundok sa sinuman ang lumapastangan dito. Kalaunan ay na­ging Mt. Manalmon ang pangalan nito na kilala na ngayong destinasyon ng mga hiker o maging ang mga magbabarkadang gustong maka-experience ng adventure.

Sa kabila ng mo­dernisasyon, hindi pa rin nawawala ang mga bintang na nakadikit na sa bundok. Isa na rito ang misteryosong pagkamatay ng noon ay childstar na si Julie Vega.

Sa paanan ng bundok Manalmon nag-shooting si Julie ng pelikulang Lovingly Yours, Helen na siya ring huling pelikulang inapiran ni Julie. Matapos kasi ang isang buwan na pagsu-shooting nito, biglaang namatay ang dalaga dahilan ng pag-usbong ng mga bulung-bulungan na sinumpa raw si Julie o kaya ay nakursunadahan ng lamang lupa.

Matatandaan ding pitong Bulacan estud­yante ng isang State University ang nalunod sa ilog ng bundok, ang Magnum River.

Ilan lamang ito sa mga kwentong kadikit na ng Mt. Manalmon kaya ito pinangingilagan at kinakatakutan. Ngunit hindi dahilan ito para isumpa ang bundok, dahil dapat ay mas bigyang-importansya ng mga tao ito sa riyalidad na unti-unti na itong nakakalbo dahil sa ilang mapang-abuso sa kalikasan.

ACIRC ANG BULACAN BUNDOK BUNDOK MANLA JULIE JULIE VEGA LOVINGLY YOURS MAGNUM RIVER MT. MANALMON STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with