Nagpagalaw sa lahat ng BF

Dear Vanezza,

Itago mo na lang po ako sa pangalang Ms. Hoping. Hindi ko po alam kung paano ko aaminin sa mga magulang ko ang nangyari sa akin. Nagkaroon po kasi ako ng mga bf at lahat sila nagalaw ako. Hindi ko naman po sila pinagsabay-sabay. Nakipag-bf po ako sa pagnanais na makahanap ng matinong lalaki na magmamahal sa akin, pero lahat sila pare-pareho lang. Payuhan po ninyo ako.

Dear Ms. Hoping,

Itigil mo na ang paghahanap dahil lalo ka lang mapapariwara. Maraming beses ka ng nabigo kaya dapat ka ng matuto. Hindi lang naman lalaki ang nagpapaikot ng iyong mundo kaya huwag mo munang i-priority ito. Bata ka pa at may future na dapat paghandaan. Andyan ang iyong pag-aaral na mas dapat mong pagtuunan ng panahon. ‘Wag mo ring kalimutan ang iyong pamilya na nagmamahal sa’yo. ‘Wag kang malungkot kung wala kang bf. Darating din ang tamang lalaki para sa’yo wag ka lang magmadali. Manalangin ka rin na makatagpo ka ng bf na magmamahal sa’yo ng tapat na hindi lang sex ang gusto. Ipaubaya mo sa Kanya ang lahat at tiyak kong bibigyan ka Niya ng isang partner na may mga taglay na katangiang hinahanap mo.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments