Fengshui Tips sa Tindahan

Bago magbukas ng tindahan, mga 15 minutes magsindi ng 3 green candles at magdasal na maging mabenta ang paninda. Basahin ang Psalm 65. Tapos iaplay ang alinman sa mga sumusunod:

Maglagay ng mirror sa harap ng cash box para madoble ang kikitain. Ngunit nakaharap dapat ito sa loob ng tindahan.

Magdispley sa South corner ng larawan ng kabayong may pakpak o Pegasus (kagaya ng nasa larawan) para maging mabilis ang pag-asenso ng negosyo. O, kaya ay 3 kabayong figurine na tumatakbo. Ipuwesto ito nang nakaharap sa loob ng tindahan.

Maglagay ng lumang aras na ginamit sa kasal sa cash box para ito ang magsisilbing magnet na hahatak ng mas marami pang pera. Ilagay sa supot na berdeng tela ang aras.

 

Show comments