Sakitin? Gipit sa Pera? Teka...

Baka may Fengshui violation ka sa inyong bahay. Itsek mo kung may pangyayari sa inyong bahay na katulad ng mga sumusunod:

1--Basag na salamin sa bintana o sirang bintana. Magiging sanhi ng sakit sa mata.

2—Iisa ang pader ng toilet at bedroom. Sa pader nakaulo ang taong nagmamay-ari ng bedroom. Ang karaniwang nagiging sakit ay sa kidney. Ilipat ang direction ng headboard sa iyong lucky direction.

3—May nakasabit na painting or poster ng body of water sa salas,  na ang daloy ng tubig ay nakadirekta palabas ng bahay.

4--Leak sa mga gripo o iba pang tubo. Walang katapusang gastos. Kung gaano kabilis ang pasok ng pera ay ganoon din ito kabilis lumabas.

5--Sira ang steps ng hagdanan lalo na kung ito ay steps patungo sa entrance ng bahay. Problema sa hanapbuhay at pera ang nagiging resulta.

Show comments