Paano pumili ng magiging misis? (last part)

Ito ay karugtong ng paksa kung anu-anong bagay ang dapat mong ikonsidera sa pagpili ng magiging misis. Narito pa ang ilan:

Mabuting asal – Dapat kung pipili ka ng magiging misis, obserbahan mong mabuti kung mayroon ba siyang mabuting asal. Makatao ba siya?
Mapagmahal sa magulang? Makipamilya? Dapat mong diskubrehin ang mga bagay na ito maaga pa lang sa inyong relasyon. Isipin mo na lang kung wala siyang pagpapahalaga sa pamilya, paano niya pahahalagahan ang pamilyang inyong bubuuin?

Parehas ba kayo ng interes? - Bagama’t hindi naman lahat ng mag-partner ay parehas ng interes,  mas mabuti pa rin na ang hahanapin mong maging misis ay kapareho mo nito. Kapag parehas kayo ng mga bagay na ikinasisiya, tiyak na mas madali lang sa inyo ang mag-bonding at magkaroon ng maayos na komunikasyon. Mayroon kayong pagkakaisa ng isip at puso. Ngunit kung talagang mahal mo naman ang taong ito pero hindi kayo parehas ng interes, maaari mo naman matutunan  ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya. Halimbawa, kung mahilig siyang manood ng telenovela, ikaw naman ay hindi, bakit hindi mo siya samahan minsan manood nito kahit boring sa ’yo? Ito ay para lang makapasok ka sa kanyang mundo.

Show comments