100 Fengshui Cures (14)

64--Kung umaasim na ang relasyon ng mag-asawa, magsabit ng 7 pirasong  quartz crystal spheres sa Southwest ng bedroom. Ito ay lilikha ng loving energy sa loob ng bedroom kaya mawawala ang “hatred” sa puso ng bawat isa.

65--Magdispley ng pares ng mandarin ducks sa Southwest ng salas.

66--Idispley ang wedding portrait sa salas.

67--Kung bagong kasal at wala pang 10 taong nagsasama, magdispley ng picture ng bulaklak na peony or fresh peony sa bedroom ngunit kung 10 years and above nang kasal, sa salas na lang magdispley nito dahil ang resulta ng pagdidispley sa bedroom ay pambababae ng husband.

68-- Kung nais mong bumalik ang iyong asawa na lumayas sa inyong bahay, magsabit o magdispley ng isang figurine na ibong nakabuka ang pakpak. Nakaharap ang ibon sa loob ng inyong bahay. Isulat mo sa isang malinis na papel ang iyong wish na bumalik ang asawa. Isingit mo ang papel  sa tuka ng ibon. Dalawa ang klase ng paghihiwalay ng mag-asawa: temporary at karmic. Kapag karmic ang inyong paghihiwalay, wala nang pag-asa kayong magkabalikan.‘Yung temporary separation lang ang tinatablan ng ritwal na aking itinuro. Itutuloy

Show comments