Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang kauna-unahang palabas sa telebisyon ay naiere noong 1926? Ang unang interbyu sa tv ay kinabilangan ng actress na si Peggy O’Neil noong April 1930 habang ang unang laro na naipalabas naman ay ang baseball game sa isang Japanese elementary School noong Setyembre 1931. Nai-broadcast naman ang balita sa BBC noong 1936. Unang commercial o patalastas naman ay ang Bulova clock na tumagal lang ng 20-segundo. Nagbayad ang Bulova ng $9 para sa nasabing patalastas. Ang relong ito rin ang unang relo na nadala sa kalawakan. Ang soap opera naman sa telebisyon na regular na ipinalabas ay may pamagat na “A Woman to Remember” ng DuMont TV noong Pebrero 1947.

Show comments