Hindi Masagutan ang Test Paper

Panaginip: Bumalik ako sa elementarya sa kasalukuyan kong edad. May exam kami at ang titser namin ay ‘yung naging principal namin noon. Malabo ang print ng questions sa test paper kaya di ko mabasa. Tapos wala pala akong ballpen. Walang gustong magpahiram ng ball pen.---Bhavana

Interpretation: May ginagawa kang isang ma­laking desisyon sa kasalukuyan at nasa process ka ng paghahanap ng tamang kasagutan. Pakiramdam mo’y kailangan mong magmadali bago mahuli ang lahat. Gusto mong humingi ng payo  pero walang interesadong magbigay ng kanilang oras.

Show comments