12 klase ng bahay na may bad Feng Shui (4) SINUSUWERTE

Tandaan ang mga sumusunod sa pagbili ng nakatayo nang bahay o second hand na bahay:

7---Huwag bilhin ang bahay na malapit sa sementeryo, columbarium, o anumang lugar ng sambahan. Maituturing na malapit kung ang distansiya ng bahay mula sa mga nabanggit na lugar ay 33 feet o 10 meter or mas malapit pa. Mabigat ang energy na nagmumula rito kaya mahihirapang makamit ang magaan na pamumuhay at mabuting kalusugan.

8---Masama kung ang  pond, swimming pool ay nasa northeast sector ng bahay (applicable ito hanggang 2024).

9---Ang kitchen ay nasa gitna ng kabahayan. Kalusugan ng naninirahan ang apektado rito.

10---Ang landing ng hagdanan ay nakatapat sa pintuan. Hindi makakapasok ang good energy dahil hinarangan ng hagdanan. Good energy ang pinanggagalingan ng good luck. (Itutuloy)

 

Show comments