Isdang Nakanganga

Panaginip: Nasa palengke ako at bumili ng maraming salmon. Napansin kong buhay ang mga salmon at nakanganga ang mga bibig. May dalawang tindera na nag-aaway. Tumama sa akin ang lamang loob ng isda na inihagis ng nagagalit na tindera sa kanyang kaaway.---Shuti

Interpretation: Ang salmon ay simbolo ng karunungan at katalinuhan. Ang tinderang nagagalit sa panaginip ay ang iyong konsensiya. Ang lamang-loob ng isda ay nagre-represent ng mga bagay  na patapon at walang kuwenta. Nakokonsensiya ka at nagagalit sa iyong sarili dahil sinayang mo ang iyong potensiyal. Parang napatapon lang ito. Ang isdang nakanganga na parang nagagalit ay representasyon ng panghihinayang.

 

 

 

 

Show comments