^

Para Malibang

Mister o ka-live-in?

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hiwalay ako sa asawa. May isa kaming anak na nasa akin. May ka-live-in ako ngayon. Isang taon na kami pero wala kaming anak. Noong isang buwan, tinext ako ng mister ko at gustong magkita kami. Nag-alangan ako pero pinagbigyan ko siya. Sabi niya gusto niyang makipagbalikan sa akin at humingi siya ng tawad sa pagkakasala niya. Wala raw halaga sa kanya kahit may kinasama akong ibang lalaki. Mahal ko siya kaya pinatawad ko. Pero humingi ako ng panahon dahil hindi ko alam kung paano ako makikipagkalas sa aking ka-live-in. Gulung-gulo ang utak ko. Mahal na mahal kasi ako ng kinakasama ko ngayon at hindi ko alam kung paano siya magre-react. Kahit paano’y may pinagsamahan kami kaya napamahal na rin siya sa akin. - Amor

Dear Amor,

Tama na balikan mo ang iyong mister. Siya pa rin ang asawa mo sa mata ng Dios at tao. Kausapin mo ang iyong ka-live-in at ipaliwanag ang iyong sitwasyon. Sabihin mong na-realize mo na kasalanan ang inyong ginagawang pagsasama kaya kailangan ng wakasan. Maaaring masaktan siya pero ang sugat ay paghihilumin din ng panahon. Mas mabuti na ang magtapat kaysa ipagpatuloy ang isang relasyon na may bigat na nakadagan sa dibdib.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

DEAR AMOR

DEAR VANEZZA

DIOS

GULUNG

HIWALAY

ISANG

KAHIT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with