Feng Shui ng Salas

(Last part)

Purple ang gamiting kulay sa southeast ng salas.

Para maging maayos at masaya ang social life, magsabit ng wind chime na may dalawang rod na yari sa ceramic o glass sa southwest ng salas.

Ang sound system ay ilagay sa west para magkaroon kayo ng extra luck.

Once a week, patugtugin nang malakas ang stereo para lumayas ang mga “panis” na energy sa salas.

Gumamit ng sariwang halaman at bulaklak sa salas dahil hinihigop nito ang negative energy at pinasisigla ang chi (positive) energy.

Para suwertehin sa negosyo, pasiglahin ang southwest at northeast ng salas sa pamamagitan ng pagdidispley ng quartz crystal o ceramic figurines na nagdadala ng suwerte kagaya ng green Buddha.

Show comments