Patay na ako, mahal (26)

“AVERY, n-naging zombie ka! L-lumala ang kalagayan mo!” putlang-putlang sabi ni Russell, hindi malaman ang dapat gawin.

Nananatili namang nakatayo lang si Avery, taglay ang nakakatakot na anyong nakakabangungot.

Klak-klak-klak. Tunog ito ng naka-lock na doorknob; merong nagbubukas ng pinto, nais pumasok.

“S-Sino ‘yan?” tanong ni Russell sa pagitan ng kilabot.

“Oras na po ng medication ni Ma’am, Sir”.  Ang nurse iyon, nabosesan ni Russell.  “Kindly open po”.

“S-sandali lang, nurse. Please wait,” sabi ni Russell. Lakas-loob niyang nilapitan ang dalagang naging zombie.

Hindi naman tulad ng mga walking dead na bayolente si Avery; nanatiling -nakatayo lamang, parang tuod na wala halos kakilus-kilos.

“Avery, please, kontrolin mo ang sarili mo! Papatayin ka nila kapag ganyan ang anyo mo!

“Hindi binubuhay ng mga tao ang zombie, mahal!”

Nabahala ang nurse sa labas ng pintong sarado. “Hello, ma’am, sir. Is something wrong po ba diyan?”

Hindi makasagot si Russell; hindi kayang sabihin sa nurse ang nagaganap na hiwaga.

Kinabahan na nang husto ang nurse. “S-saglit po! Kukuha ako ng duplicate key sa nurses’ station!” Lalong nataranta si Russell. Anumang oras ay papasok na ang nurse, tiyak na makikita nito si Avery sa nakakatakot na anyo.

“Avery, dali, magtago ka muna sa toilet! Huwag kang basta lalabas! Hindi ka dapat makita ng nurse bilang zombie or walking dead!”

Sunud-sunuran naman si Avery. Inilapat ni Russell ang pinto ng toilet matapos pumasok ng dalaga.

Ang main door ng recuperating room ay nabuksan na ng nurse. “Nasaan po ang pasyente, sir?”

Itinuro ni Russell ang toilet. “Nasa loob pa siya, nurse.” Biglang lumabas si Avery.

Napangiti ang nurse. “Blooming po ang beauty n’yo, ma’am!”

(Itutuloy)

Show comments