Happy kahit naputulan ng binti

Panaginip: Nabali ang aking isang binti kaya kailangan daw putulin. Tapos nawala na lang bigla ang aking binti at pinalitan ng artificial leg. Hindi ako nalungkot at sa halip ay natuwa dahil lalong bumilis ang aking pagtakbo. Very proud pa ako at may unique akong leg.---XYZ

Interpretation: Ang pagputol ng isa mong binti at pagkatapos ay pinalitan ng artipisyal na binti ay indikasyon na nagbago na ang pagtingin mo sa buhay. Siguro ay mas “cool” ka ngayon o mas optimistic kumpara sa dati. ‘Yun bang kahit may problema ay masaya mo pa rin hinaharap ang buhay.

Show comments