Alimango, healthy ba kainin? Last Part

Ito ay huling bahagi ng paksa kung anu-anong mga benepisyo ang maaaring makuha sa pagkain ng alimango o crab. Narito pa ang ilan:

Omega-3 fatty acids – Dahil ang crab ay gaya rin ng ibang lamang dagat, mayaman ito sa omega-3   fatty acids na nakukuha nito mula sa phytoplanktons at algae. Nakakatulong ang omega-3 fatty acids  para hindi lumapot ang dugo sa iyong katawan. Malaki rin ang maitutulong nito para mapababa ang iyong tri-glyceries at LDL  na siyang bumabara sa iyong arteries. Maging sa utak ng tao ay may epekto rin ang omega-3 fatty acids.  Mahusay itong pangontra para di agad dapuan ng alzheimer’s disease at iba pang sakit gaya ng hypertension, arthritis at depression.

Folate – May taglay na folate din ang crab meat na tumutulong naman para sa iyong central nervous system at mababa ang taglay na mercury  na delikado  sa tao.

Show comments