Saan patutulugin ang mga anak?

Last Part

Natatamo ng mga anak ang study luck, pagkakasundo ng magkakapatid at pagiging masunurin kung ilalagay ang kanilang kuwarto sa appropriate direction base sa feng shui tradition.

Kuwarto ng mga anak na babae:

Ang South, Southwest at West ang magandang puwesto para sa mga anak na babae. Makakamtan nila ang suwerte at kaligayahan.

Para ma-activate ang South at Southwest, gumamit ng maliwanag na bombilya at pang-displey na lamp, scented candles, poster/painting ng araw na nagniningas ang liwanag o sunrise.

Ang West ay pasiglahin sa pamamagitan ng pagdidispley ng globe crystal at crystal point. Dalhin ang crystal point tuwing may exam. Ngunit kung hindi ginagamit ay iwan ito sa west sector ng bahay o bedroom.

Show comments