Wedding Feng Shui

Bukod sa nakaugaliang pure white, maganda rin kulay ng wedding gown ang earth color kagaya ng ivory or cream.

Masuwerteng date ay 8 at 9 or date na ang ending ay 8 or 9 kagaya ng 18, 19, 28, 29. Ang August 8 ay nagdudulot ng matatag na pagsasama. Puwede rin ang date na kapag pinagsama ay may total na 8 kagaya ng 26 at 17.

Ang wedding cake ay simbolo ng magiging kapalaran ng mag-asawa. Ang bilog na cake ay angkop sa mag-asawang ang career ay kinalaman sa art. Kung nais magkaroon ng maraming anak bilog na cake ang piliin n’yo. Matatag na pagsasama ang sinisimbolo ng square na cake. Sa mag-asawang adventurous, three-tiered cake ang mainam.

Doon sa panghihiram ng gamit para sa—“something borrowed, something blue, something old, something new”, ang taong hihiraman mo ng gamit ay dapat na happily married para mahawahan ka ng kanyang suwerte sa pag-aasawa. Itutuloy

Show comments