Gaano kagaling ang iyong anak?

Last Part

Sa pamamagitan ng birth date ng inyong anak, kilalanin ang kanilang natatagong katangian:

7—Aktibo at matalino. Hindi siya mahilig matulog kagaya ng ibang bata. Madalas ay pinakahuling matulog kumpara sa mga kapatid pero siya ang pinakaunang nagigising dahil laging gumagana ang utak. Ang hilig sa pagkukutingting ay magsisimula sa mga binubuong robot hanggang sa pag-install ng sariling computer. Mahilig kasing magbasa kaya natututuhan niya ang maraming bagay.

8—Masuwerte at super achiever. May kakaiba silang karisma at husay sa pang-iimpluwensiya ng ibang tao—gift of gab ang tawag. Nasa destiny nila ang yumaman at maging powerful ngunit iyon ay depende sa klase ng pagpapalaki sa kanila ng magulang. Turuang maging matiyaga at pasensiyosa ang anak. Magiging successful sa larangan ng pulitika at negosyo.

9—Matapang, adventurous at minsan ay rebelde. May potensiyal na maging mahusay sa sports. Ngunit kung mahilig sa performing arts, malaki ang tsansang sumikat. Sa mga magulang, huwag pakikialaman ang propesyong nais nilang pasukin. Kapag nakialam ka, para mo na rin pinatay ang kanyang pangarap. At hindi lang iyon, lala­yuan ka niya. Sagrado sa kanya ang kalayaan. Ang tagumpay para sa kanya ay ‘yung malaya niyang nagagawa ang mga bagay nais niya.

Show comments