Personal Year Forecast

Paano ang kalkulasyon ng Personal Year: Birth Month + Birth Date + Present Year. Laging ire-reduce sa single number ang answer, maliban sa 11 at 22 dahil master numbers ang mga ito.

1 Personal year

Ito ang taon ng new opportunities, new experiences kagaya ng first time makapagtatayo ng business o kaya ay makapaglulunsad  ng importanteng project. Lalong magiging makabuluhan ang personal year one kung ang petsa ng iyong birthday ay 1, 10, 19 at 28 or nasa ilalim ka ng sign ng Leo or Aries.

LOVE: Mai-involve ka sa bagong kakilala, may hinahawakang powerful position or someone na mas bata sa iyo. Kung may karelasyon sa kasalukuyan, malaki ang tsansa na magkaroon ng second honeymoon or renewal of wedding vows. Sa romance man or business, ang mga taong papasok sa iyong buhay ay nasa ilalim ng sign na Leo, Aries or Aquarius or ang petsa ng birthday ay 1, 4, 9, 10, 13, 18, 19, 22, 27, 28 at 31. Mangyayari ito alinman sa buwan ng January, May, July or October. Mas magiging attractive ka kung magsusuot ng gold, yellow, orange at golden brown.

HEALTH: Ingatan ang mata, lungs at heart. Magiging mahina ang kalusugan sa buwan ng March, May at August.

CAREER: Masuwerteng maghanap ng trabaho sa Martes at Lunes. Magkakaroon ng career changes alinman sa buwan ng April, May, July at September.

TRAVEL: Kung magkakaroon ng pagkakataong maglakbay, ito ay magdudulot sa iyo ng bagong karanasan. Ang biyaheng gagawin ay may kaugnayan sa iyong trabaho. Puwede rin gagawin mo ang pagbibiyahe dahil gusto mo lang maranasan ang bagong kapaligiran. Mangyayari ang pagbiyahe alinman sa January, April, August, September at October.

Show comments