‘Butas na lupa’ (47)

NAGDUDA agad ang doktora nang makita sa bayan ang boyfriend ni Monica. “I-Imposible ito. Nakita kong nalibing nang buhay si Jake sa butas na lupa! I was there nang takpan ng engineering team ang sinkhole!”

Concrete slabs ang ipinantakip sa mahiwagang butas; makapal na semento. “Imposible talagang nakalabas pa si Jake doon!” Hinabol ng doktora ang lalaking Jake na Jake ang anyo.

“Jake!” Tinawag niya ito.

Hindi lumilingon. Hindi lang ba siya narinig?

“Jake! Hey!”

Bakit hindi lumilingon si ‘Jake’?

Inabutan niya ito sa harap ng palengke, kinapitan sa bisig. “Jake?”

Huminto ito, tumi­ngin sa kanya.

Napansin agad ng doktora ang lagusang tingin ni ‘Jake’.

Kumibot ang mga labi nito pero ayaw magsalita.

“Answer me, ikaw ba si Jake?”

“Wuzzi, wuzzu. Templangken.”

Napaigtad ang doktora. Naunawaan kung sino ang lalaki. “H-Hindi ka si Jake! Isa kang…duplikado!” Tinabig siya ni ‘Jake’. Bumaligtad ang magandang doktora.

Tihayang-tihaya. Nakabestida pa namang maluwang ang laylayan.

Nakitaan agad ito ng mga tambay sa palengke. Nagpista ang malilisyosong mata sa kaseksihan ng doktora.“Mga bastos!” sigaw ng doktora. “Pinapasok na tayo ng taga-ibang planeta,  ang kahalayan pa ang inuuna ninyo!”

Gigil sa galit na nakatayo ang doktora, hinabol si ‘Jake’. Naiwan ang mga tambay na ngising-aso, at nagtataka. “Meron daw alien, mga p’re!”

“Taga-ibang planeta ang sabi,  p’re,” sabi ng kausap.

“Iyon na nga! Alien ang tawag sa taga-ibang planeta, tanga!”

Napikon ang ‘tanga’. Sinuntok ang kaharap. PUG.

Nag-away na ang parehong tambay. PUG. PAG. BOG.

Hindi na nakita ng doktora ang duplikado ni Jake.

PERO pagdating niya sa loob ng pad, sumalubong sa kanya ang limang ‘Jake’, malaswa ang tingin sa kanya!  (ITUTULOY)

 

 

 

.

               

 

Show comments