ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na ang puffed rice ay nadiskubre ni Dr. Alexander P. Anderson ng Minnesota noong 1901/02? Agad niyang ipina-patent o ipinarehistro ang kanyang discovery at nagtayo ng “Anderson Puffed Rice Company”. Ipinakilala ang puffed rice sa publiko noong 1904 sa St. Louis World’s Fair. Mahigit 70% ng prunes sa buong mundo ay mula sa California. Ang pummelo o pomello ay tinatawag din minsan bilang shaddock matapos na ipakilala ito ng isang English captain sa West Indies. Ang suha sa French at “pamplemousse”, “pampalemus” sa Spanish at “Butan” o Zabon naman sa Japanese.

Show comments