Dengue Hemorrhagic Fever (2)

Sintomas ng dengue:

Narito ang mga sintomas na dapat bantayan lalo ngayong tag-ulan.

1. Biglaan at mataas na lagnat na maaaring tumagal ng mula dalawa hanggang pitong araw.

2. Pananakit ng mga kasu-kasuan at kalamnan, gayundin sa likurang bahagi ng mata.

3. Panghihina.

4. Skin rashes, Mapupula at butlig sa balat.

5. Pagdurugo ng ilong kapag bumababa ang lagnat.

6. Pamamaga ng atay.

7. Pagsusuka ng kulay-kape.

8. Maitim na kulay ng dumi.

9. Panghihina ng katawan at kawalan ng ganang kumain.

MGA DAPAT GAWIN

A. Ang pasyenteng may mataas na lagnat ay dapat punasan ng basang bimpo at binibigyan ng paracetamol.

B. Huwag bigyan ng aspirin ang isang ta­ong pinaghihinalaang may Dengue H-fever, dahil maaari  itong maging dahilan ng pag­du­rugo o iritasyon ng sikmura/bituka.
 

Show comments