Tukso layuan mo ako...
IDAING MO KAY VANEZZA - Rosalinda L. Orosa (Pang-masa) - August 24, 2013 - 12:00am

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Jonel, college graduate na. Ang problema ko’y in love ako sa babaeng may asawa at ang asawa niya’y pinsang buo ko. Close kami ng babaeng ito pero wala pa kaming relasyon. Hindi naman kami pinag-iisipan ng masama ng pinsan ko dahil masyadong busy dahil businessman. But the thing is, I can feel so strongly that we are being drawn too close to the point of falling in love with each other. Nariringgan ko na rin siya na nagrereklamo sa kakulangan ng asawa niya. Up to now ay pinipigil ko ang sarili ko dahil alam kong hindi mabuti ang kahihinatnan kung papasok kami sa isang relasyon. Pero natatakot ako dahil malapit na kaming mahulog sa isa’t isa at ayaw kong mangyari ‘yon lalo pa pinsan ko ang aking tatraydurin. Ano ang dapat kong gawin?

Dear Jonel,

Ang pinaka mabuting gawin ay iwasan na ninyo ang bawat isa hanggat hindi pa huli ang lahat. Kahit hindi mo kamag-anak ang asawa niya, ang pagkakaroon ninyo ng relasyon ay mali dahil siya’y babaeng may asawa na. Ang nadarama mo sa babaeng iyan ay isang tukso. Huwag mong sabihing matatag ka at makakapagpigil sa iyong damdamin dahil walang sino mang humawak ng baga na hindi napaso. Walang sino mang nadikit sa palayok na hindi naulingan. Kaya ang pinaka mabisang paraan para huwag matukso ay lumayo sa tukso. Hindi kasalanan ang matukso. Ang kasalanan ay kapag ang tao’y nagpatalo sa tukso. Manalangin ka sa Diyos na bigyan ka ng lakas upang mapaglabanan mo ito.

Sumasaiyo,

Vanezza

ANO DAHIL DEAR JONEL DEAR VANEZZA DIYOS HUWAG JONEL KAHIT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with