‘The beautiful ones’ (16)

NAYANIG talaga si Oreo sa nakaharang sa daan. “I-Isang zombie na napakagandang higante, ehe, higanta! Higanteng zombie!”

Taranta siyang luma­bas ng sasakyan para mag-usyoso.

Zombie ngang napakaganda ang nakaharang sa ilang na daan. Nakatingala si Oreo sa dambuhalang tantiya niya’y 50-footer.

Wala namang reaction ang orihinal na mga zombie, nanatili sa van.

“Pero saan ka nagmula, higanta? Sexy ka sa suot mong bikini and yet nakakatakot ka rin!  Kamukha mo si Hollywood actress pero ikaw ang better version! Kaylakas ng impact mo, ‘day!”

Ngumanga ang higanteng zombie,  saka biglang binugahan ng hininga si Oreo. “BOOOOO!”

“Kaybahu-baho ng hininga mo, aaahhh!” Muntik nang matumba sa masangsang na amoy si Oreo. “Matindi pa sa amoy ng patay na daga!”

Nalito na si Oreo. Ano ba ang purpose ng higanteng living dead?

“Saan ka nga ba nagmula?” sigaw ni Oreo, nagtatapang-tapangan.

“Hulaan mo, ulul!”

Napalingon si Oreo. “Sino ‘yan? Boses K ka, matinis! Magpakita ka sa akin, puwede?”

Nagpakita. Napaigtad si Oreo. “Aaaah!”

Binitbit siya ng higanteng zombie, ihinarap sa bagong dating. “S-Satanini? Ikaw n-nga ba?”  Ang demonyo nga,  napikon. “Hindi ako boses K, bawiin mo, gago!”  

“H-Hindi ka boses K…b-binabawi ko, ‘Taning…j-joke…” Nasakop ng takot si Oreo. Isang maling sagot, baka lamunin siya ng higante. Ibi­naba siya nito; face to face na sila ng demonyo.

“Oreo, bilib ka na ba sa latest creation ko?”

“O-Oo, Satanini…beautiful giant version siya ni Hollywood actress!”

“Siya ay ilusyon lamang, Oreo. Walang higanteng zombie.”

Nabalot ng maitim na usok ang 50-footer giant.

Mangha na naman si Oreo. Kasi’y unti-unting lumiliit ang higanteng living dead.  Walang tigil sa pagliit.

 Naging guwapong zombie na kilala na ni Oreo.”Oh my gray shoes! Nabuhay muli si General kopong-kopong!” 

(ITUTULOY)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

             

Show comments