ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba na ang pag-iinat ay nakakapawi ng stress? Ayon sa mga researchers mula sa Universidad de Zaragoza,  ang mga taong ilang oras ng nakaupo at nagtatrabaho sa harap ng kanilang lamesa ay mas mataas ang panganib na magkaroon ng sakit sa puso at maging obese at makaranas ng sakit ng ulo.  Dahil dito, ipinapayo ng Mayo clinic na magkaroon ng micro-break tuwing ika-20 hanggang 30-minuto at saka maglakad-lakad ng kaunti, para maalis ang mga muscle tension mo. Kung hindi mo naman type ito, kada tutunog ang telepono ay magkusa ka ng tumayo at sagutin ito para makalakad.

Show comments