Paano Ididispley ang Family Portrait?

1--Kung nais na idispley ang inyong family portrait, dapat ito ay malaki upang makahigop ito nang sapat na good  energy. Ang size ay ‘yung makikilala mo ang bawat mukha na nasa litrato kahit malayo ang kinatatayuan mo.

2--Idispley ito sa lugar na madalas mag-ipun-ipon ang pamilya. Ang lugar ay dapat na pinapasok ng sinag ng araw at may maliwanag na ilaw kung gabi.

3--Ang salas ang magandang lugar na paglagyan ng family portrait pero iwasang ilagay sa tapat ng main door. Ang epekto ay magiging layas ang bawat miyembro ng pamilya. Mas gugustuhin nilang la­ging nasa pasyalan kaysa tumigil ng bahay.

4--Huwag ilalagay ang portrait sa tapat ng toilet door o isasabit sa pader na ang nasa kabilang panig ay toilet. Ang bad energy na nagmumula sa toilet ay tatama sa mga taong nasa portrait. Huwag din isasabit ang portrait sa tapat ng ilalim ng toilet na nasa second floor.  (Itutuloy)

Show comments