Para sa mga Drayber

Pampasuwerte para sa mga namamasada ng jeep, tricycle at taxi:

Maglagay ka sa unahan ng iyong  pampasaherong sasakyan ng larawan o figurine ng Mahal na Birhen ng Antipolo.

 Magsabit ka sa unahan ng  sasakyan ng 8 Chinese coins (may butas sa gitna) na pinagkabit-kabit ng pulang tali.

Sa iyong cash box o anumang lagayan ng kinita, maglagay ka ng hematite, cat’s eye, at citrine.

Huwag magsusuot ng damit na may butas ang bulsa.

Maglagay lagi sa inyong bulsa ng walong coins (kahit ating coins) na nakalagay sa pulang supot na tela. Magsisilbi iyang magnet upang humatak ng pera at dulot nito’y hindi ka mawawalan ng pera kailanman.

Always pray Psalm 23. Ipa-xerox mo ang Psalm/Awit 23. Tapos ipa-plastic laminate at idikit sa iyong sasakyan upang araw-araw ay iyong basahin bago simulan ang pagpasada.

 

Show comments