ALAM N’YO BA?

Alam n’yo ba noong unang panahon, nagsasalamin lang ang tao sa tubig?  Kung makikita ng isang tao ang kanyang sarili sa tubig na basag-basag ang kanyang itsura, indikasyon ito na may darating na unos sa kanyang buhay. Sa mga Egyptians noon, mahalaga sa kanila ang salamin dahil mayroon itong mahika. Kaya kung mababasag ang salamin ay magdudulot ito sa kanila ng pitong taong kamalasan. Ayon sa mga historians, tanging ang almond at dates lang ang nabanggit sa Old testament ng  Bible na siyang nagpapatunay na isa ang mga pagkaing ito sa itinuturing na pinakamatandang pagkain. Kinakailangan na 1000 libra ng almond para makagawa ng 1 pint ng almond oil.  Ang protina na nakukuha sa almond ay gaya din ng protina na nakukuha mula sa gatas ng ina.  Kapag kumain ka ng isang libra ng almond, makakakuha ka ng 160 calories. Noong unang panahon sa Babylonia, opisyal na inumin ng mga ikinakasal ang wine na ang flavor ay honey. Dahil dito, obligado ang mga magulang ng babaeng ikakasal na suplayan ng wine ang magiging groom ng kanilang anak sa loob ng isang buwan, kaya naman tinatawag nila itong “honey month” na kalaunan ay naging honeymoon na.

Show comments