Maliit na boobs

Natalakay na natin ang iba’t ibang isyu sa boobs tulad ng laylay na boobs, hindi pantay na boobs at malaking boobs. Ngayon ay pag-usapan natin ang maliit ng boobs.

Marami sa mga babaeng Pilipina ang may maliit na boobs. May ibang lahi kasi na sadyang malalaki ang boobs.

Ang iba  ay may isyu sa kanilang boobs kahit na wala naman talagang problema sa maliit na boobs. Marami ang nako-concious sa maliit na boobs.

Kaya nga naimbento ang push-up bra.

Boob pads at iba pang pampalaki ng boobs.
Totoong maraming lalaki na mas gusto ng malaking boobs ngunit sa ibang lalaki ay hindi naman ito ‘big deal.’

Ang iba, panay ang exercise ng pampalaki ng boobs ‘daw’ pero ang totoo, wala namang exercise na pampalaki ng boobs dahil wala namang
muscle ang boobs. Ang lumalaki lang ay ang muscle sa ilalim ng boobs.

Wala ring scientific evidence na ang electrical stimulation, non-hormonal creams o massage treatments ay may epekto sa boobs.

Ang iba ay nagpapa-opera ng boobs para lumaki. Kung may planong magpa-breast implant surgery (breast augmentation) siguraduhing may
reputasyon ang iyong doktor. Marami kasing lumalabas na problema pagtakapos ng breast implant… Tanungin ang doctor tungkol dito.

Show comments