Ano ang naghihintay sa inyong kapalaran? (3)

TIGER

Magkahalong good at bad luck ang mararanasan ng ipinanganak sa Year of the Tiger. Pagpapawisan ka muna ng katakot-takot bago mapagtagumpayan ang isang bagay. May tsansa na maging biktima ka ng panloloko at pagnanakaw. Huwag pumatol sa walang kuwentang pakikipagtalo dahil magiging malaki ang perwisyong idudulot nito sa iyo. Malaki ang tsansang makipagtalo ka sa taong nasa ilalim ng sign na OX.

Ang 27-year-old Tiger ang may pinakamalaking tsansa na humina ang katawan at magipit sa pera. Laging magsuot ng damit na may shade ng blue upang lumakas ang energy ng katawan. Ang 39-year-old Tiger ang may malaking tsansa na manalo ng malaking halaga mula sa pagtaya ng alinmang klaseng game o lottery. Sa mga single Ox, may makikilalang someone special; sa married, may tsansang magkaroon ng kabit.

Show comments