^

Pang Movies

Dennis, nangatwiran sa kulang na sustento sa anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Dennis, nangatwiran sa kulang na sustento sa anak
Dennis Padilla

Tameme pa si Dennis Padilla sa problema sa kanyang maliliit na anak matapos ilantad ng dati nitong partner na nakatira na sa Australia na hindi siya nagbibigay ng sapat na sustento. Noong mag-open kasi ang Australia sa mga citizen noon na gustong umuwi, ang mga anak niyang may dual citizenship ay minabuting iuwi sa Australia sa paniwalang mas maganda ang magiging buhay nila roon kaysa sa Pilipinas na naglulupasay pa ang ekonomiya dahil sa pandemic noon.

Ang nanay kasi ng mga iyon na si Linda Marie Gorton ay isang Australian. Mabilis ngang  nakarating doon ang mga anak nila kaso pagdating sa child support ano nga ba ang halaga ng pera natin kung ikukumpara sa Australian dollars, at sa mas mataas na standard of living doon?

Nag-react ang nanay ng kanyang mga anak nang mapanood ang isang blog kung saan sinabi ni Dennis na grabe at mahirap ang child support. Ngayon mabuti na nga lang at may regular na TV show si Dennis, at may pelikula rin kaya siguro nakakapagpadala siya nang maayos sa kanyang mga anak.

Pero alam naman ninyo ang showbusiness, minsan marami kang trabaho at minsan ilang buwan ding wala. Lalo na nga sa panahong ito.

Nagreklamo lang naman ang nanay ng kanyang mga anak na kulang na kulang daw ang naibibigay ­niyang child support sa dalawa nilang anak at kung hindi pa raw siya kukulitin, matagal pa bago masundan ang kanyang ipinapadala.

Pero totoo ang sinasabi ni Dennis, mahirap naman ang hanapbuhay ng mga artista sa Pilipinas ngayon kaya siguro gustuhin man niyang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga anak ay hindi niya makaya.

May balak daw si Dennis na kung makakaipon siya ng pera pupuntahan niya ang mga anak niya sa Australia dahil aminado siya na name-miss na niya ang mga iyon at siguro nga dapat na magkausap sila ng ina ng mga iyon at maipaliwanag niya kung bakit minsan ay nagkakaroon siya ng pagkukulang.

Atasha, nakuha na ang AlDub fans

“Naku sinabi nang huwag kang masyadong magalaw Menggay,” ang paalala ni Joey de Leon kay Maine Mendoza na todo sayaw sa Eat Bulaga.

Dahil sa sinabing iyon ni Joey, malakas ang kutob ng marami na on the family way na nga si Maine.

Mukhang malapit na nga yata ang pagdating ng panganay nila ni Arjo Atayde.

Dapat lang naman dahil matagal na rin silang kasal.

Pero siguro kaya naman ganoon ang attitude ni Maine sa kanilang show, may panahong siya lang talaga ang female lead host ng Eat Bulaga at sa kanya naka-focus ang lahat ng atensiyon.

Ngayon, hindi na ganoon dahil ang mas nabibigyan na ng pansin ngayon ay ang mas batang si Atasha Muhlach.

Biglang lakas din naman kasi ang following ni Tashing.

Talagang siya ang tinitilian ngayon ng mga fans.

May fans pa rin namang loyal kay Maine, pero hindi na kagaya noong panahon ng AlDub. At may nagsasabi pang marami sa mga dating Aldub ang sumusuporta na ngayon kay Atasha.

Bakit nga hindi eh sinasabi ring si Atasha ang pinaka magandang noontime television host sa ngayon. Totoo naman dahil walang bata at walang maganda sa kanilang kalaban. Si Atasha nga ang isa sa mga panlaban ngayon ng Eat Bulaga.

vuukle comment

DENNIS PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with