Baguhang aktres na sweet-sweetan ang image, tinuhog ang mga aktor sa magkalabang istasyon!

Manunuhog pala ng boyfie ang isang maganda, up and coming pero controversial new female star, huh!

Take note, hindi sa network niya ang ginagawang pagtuhog sa boylet kundi sa kalabang network, huh! Para raw hindi siya buking ng handler niya.

Kaya naman nang makilala ang isang may dugong afam na new actor na guwaping ang looks, aba, gumawa siya ng paraan upang mapalapit at eventually, maging dyowa, huh!

Pero huwag ka dahil may isa pa siyang dyinowa na isinabay niya sa boyfie na mula rin sa same network! ‘Yun nga lang, kinalasan niya rin ang isinabay niyang new male star dahil baka mabuking siya!

Sweet-sweetan ang image ng new female star pero at her age, nasasangkot na rin sa issues na may kinalaman sa lalaki na siyang sanhi ng away nila ng isang kaibigan, huh!

Marian, inilantad na ang balota!

Papasukin ni Marian Rivera ang mundo ng Cinemalaya! Of course, kapag Cine­malaya, well-crafted at kakaibang kuwento ng indie movies!

Isinapubliko na ni Yan na ang gagawing movie for Cinemalaya ay titled Balota. Ididirek ito ni Kip Oebanda at ilan sa makakasama niya sa movie ay sina Yul Servo, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, Nico Antonio at iba pa.

Wala mang detalye, parang kuwento ng teacher na namamahala sa balota tuwing eleksyon!

Show comments