Claudine, nag-flex ng high-end shoes na galing kay Yasser!

Claudine

Finlex ni Claudine Barretto ang natanggap niyang regalo mula sa aktor na si Yasser Marta.

Sa latest Instagram Reel niya ay binahagi niya ang kanyang bagong pares ng white sneakers na isang high-end brand na Golden Goose.

Hindi naman nakalimutang batiin ng ex ni Raymart Santiago si Yasser sa binigay nito. “Super late thank you @itsyassermarta luv my Rubber shoes,” caption nito.

Nagkomento naman ang aktor sa post ni Claudine at sinabing “Bagay sayo” kasama ang isang smiley face emoji.

Doon na nga nagkomento ang fans na bagay rin sila.

Hula ng fans sila ang tinutukoy sa mga blind item na dalawang artista na magkarelasyon na may malaking age gap.

Kaya naman tumodo ang kilig ng fans na mala-KathDen (Kathryn Bernardo-Alden Richards) daw ang mga ito.

Hirit nila ay umamin na raw ang mga ito para maliwanagan sila.

Maaalalang nagtambal sila sa comeback TV series ng aktres na Lovers & Liars. May aaminin nga ba sila? Bongga.

Show comments