^

Pang Movies

Pancho at Max, nagsama para sa party ng anak

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Pancho at Max, nagsama para sa party ng anak
Max at

Para na ring sina Pancho Magno at Max Collins sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na separate ang birthday party sa kanilang anak. Pero, sa huling birthday ni Skye, ang anak nina Pancho at Max, present si Max sa party na bigay ni Pancho at ng pamilya nito.

Siguro naman, mangyayari rin ito kina Richard at Sarah, ang maging present ang bawat isa sa birthday party ng kanilang anak kung sinuman ang may bigay ng party. Sa ngayon at sa sixth birthday ni Kang dating mag-asawa.

Comment ng netizens, pareho raw masaya si Kai sa dalawa niyang birthday parties, pero mas masaya raw ang bagets kung kumpleto ang mama at papa niya sa kanyang birthday.

Arnold Reyes, nangatal kay Marian

Kabilang si Arnold Reyes sa cast ng My Guar­dian Alien na tinatampukan nina Gabby Concepcion at Marian Rivera. Gagampanan ni Arnold ang karakter ni Minggoy at sa media conference, nagpahayag ng pasasalamat ang aktor na kasama siya sa cast ng comeback TV series ni Marian sa GMA. “I’m grateful na part ako ng show na ito. Actually, nung first day, may mabigat kaming eksena agad ni Ms. Marian. Actually, sa totoo lang, nangatal talaga ako. Kasi siyempre isang karangalan ang makatrabaho ang isang Marian Rivera,” pauna ni Arnold.

“Para sa akin, blessing ‘yun na nandito ako sa show, na nakatrabaho ko siya at naka-eksena ko siya nang upclose. Para sa akin, I’m so happy. Maraming-mara­ming salamat,” dagdag pa ni Arnold.

At hindi lang si Marian ang nakatrabaho niya, pati si Gabby at ang ibang cast at si director Zig Dulay, kaya umapaw ang saya niya.

Pumatay kay Killua, binigyan ng libreng abogado

Galit pa rin ang netizens kay Anthony Solares, ang pumatay sa aso na si Killua at kahit ni-repost ni Carla Abellana ang post ng PAWS at ipinaalam na tested for rabies si Killua, gusto pa rin ng netizens na makulong si Solares.

Quits na raw sina Killua at Solares at masaya ang netizens na tuloy pa rin ang pagpa-file ng reklamo kay Solares. Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, ibinalitang bibigyan ng free legal aid ng PAO si Solares, kaya ang lawyer na ng PAO at lawyer ng owner ni Killua na si Vina Arazas ang magpapagalingan ng depensa.

 Naging daan ang repost ni Carla para magpalitan ng kuru-kuro at mag-away-away na rin ang netizens.

vuukle comment

MAX COLLINS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with