^

Pang Movies

Faith at Liezel, planong mag-emote sa Bali

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Sa Bali, Indonesia ang planong bakasyon sa darating na Holy Week nina Liezel Lopez at Faith da Silva.

Pareho raw kasing puro trabaho ang dalawa kaya nagplano raw silang magbakasyon out-of-country sa Semana Santa. “’Yun ang naging plan namin ni Faith at sana po matuloy. Inaalam pa kasi namin ‘yung schedules namin kasi may kanya-kanya kaming shows. Kapag nagtugma ang schedules namin, ituloy namin ang pagpunta sa Bali,” sey ni Liezel na miss na raw ang mag-emote sa beach.

Kapwa busy na sa kanilang careers after nilang sumali noon sa StarStruck season 6 noong 2015. Si Faith ay may daily game show na TiktoClock at magsimula na mag-taping for Sang’gre. Si Liezel ay nasa drama series na Asawa Ng Asawa Ko at nasa sitcom din na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.

Sef, tatay na

Tatay na ang Kapuso comedian na si Sef Cadayona. Sinilang ng kanyang fiancee na si Nelan Vivero ang first baby nila na tinawag nilang Little Herminia.

Pinost din sa Instagram Stories ni Sef ang ilang photos ng paghintay niya sa pagsilang ng kanilang baby.

Maraming celebrity friends niya ang nagpadala ng congratulations messages at ‘yung iba ay nag-volunteer na maging ninong at ninang.

August 2023 noong ma-engage sila. October 2023 naman noong i-announce nilang magkakaroon na sila ng baby. Huling siyang napanood sa teleserye na Love Before Sunrise.

Bunso ni Michael Jackson, kilala nang Bigi

Isang filmmaker na ang bunsong anak ni Michael Jackson na si Blanket Jackson na mas kilala na ngayon sa pangalan na Bigi.

Ang directorial debut ni Blanket titled Rochelles ay nanalong Best Drama sa Santa Monica Film Festival at available for rent on Amazon Prime Video and Roku.

‘Di tulad ng mga nakakatanda niyang mga kapatid na sina Prince and Paris Jackson, bihirang makita in public si Blanket who is now 22 years old and 6-feet tall.

Kaya noong makita siya na lumabas sa isang movie theater in Los Angeles last March 14, pinagpistahan siyang kunan ng video at photos ng paparazzi.

vuukle comment

FAITH DA SILVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with