^

Pang Movies

Herlene, sa sementeryo nag-valentine  

SO CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Wala palang naka-date si Herlene “Hipon Girl” Budol noong nakaraang Valentine’s Day dahil nasa sementeryo ito para dalawin ang kanyang lola na si Virginia Budol or Lola Bireng.

Ang kanyang Lola Bireng ang sinasabi niya na special na tao sa buhay niya noong Valentine’s Day. Pumanaw ang lola niya noong June 2022. Si Lola Bireng nga raw ang nagpalaki sa kanya at tinuring niya itong ikalawang ina.

Kasama niya na dumalaw ay ang kanyang Lolo Oreng at ilang kamag-anak.
Mas importante raw sa comedian-beauty queen na makasama ang mga mahal niya sa buhay noong Araw ng mga Puso kaysa makipag-date. Ilang date proposals nga raw ang tinanggihan niya dahil si Lola.

Shaira, ngayon lang naging handa na magkapamilya

Inamin nina Shaira Diaz at EA Guzman na two years na silang engaged.

Sa GMA morning show na Unang Hirit inamin ng dalawa na noong Dec. 25, 2021 nag-propose si EA kay Shaira.

Ang rason kung bakit nila tinatago ang tungkol sa pagiging engaged nila ay dahil gusto ni EA na maging ready muna si Shaira.

Sey naman ni Shaira na ramdam na niya na handa na siyang magkaroon ng sariling pamilya kaya ngayon lamang nila napagdesisyunan na i-announce officially ang kanilang engagement sa masa.

“Ngayon ko lang na-feel talaga na reding-ready na akong gumawa ng pamilya in the future, makasama siya habang buhay so sobrang ready na ako. Gusto ko nang ipagsigawan sa mundo kung gaano kami nagmamahalan, kung gaano ko siya kamahal,” sabi ni Shaira.

Nagkaroon sila ng relasyon noong Feb. 17, 2013. Nagkakilala sila sa isang dance performance bilang partners sa reality-artista search ng TV5 noong 2012 na Artista Academy kunsaan isa sa contestants si Shaira.

Inamin ni EA na noong una niyang nakita si Shaira, hindi na raw siya nagdalawang-isip na ligawan ito.

“Napa-second look ako sa kanya talaga. Alam nyo ‘yung sa movies na nag-i-slow motion ang lahat, gano’n ‘yung nangyari sa akin. Four months ko rin siyang niligawan bago niya ako sinagot,” kuwento ng aktor.

Brad Pitt at GF, live in na

Confirmed na magkasama na sa iisang bubong si Brad Pitt at ang kanyang girlfriend na si Ines de Ramon.

Ayon sa Extra, sa bahay ni Brad sa California nagsasama ang dalawa: “It’s pretty recent. They are going very strong and she is happier than ever.”

Nakita ang couple kamakailan sa Santa Barbara Film Festival, pero hindi sila nag-pose para sa photographers sa red carpet. Dumiretso raw sa loob ng venue ang dalawa.

Balitang malapit nang matuldukan ang seven-year divorce battle ni Pitt with ex-wife Angelina Jolie. Tumagal ang petisyon na sinampa nila noong 2016 dahil hindi nagkakasundo ang dalawang kampo sa custody ng mga minor children nila na sina Shiloh (17) and twins Knox and Vivienne (15). Pati na ang hatian sa kanilang French vineyard ay naging problema ng dalawa.

Noong 2019, declared “legally single” na sina Pitt at Jolie ng korte.
Ang tatlong anak nila na sina Maddox (22), Pax (19) at Zahara (18) ay malayang makakapili kung kanino nila gustong sumama.

vuukle comment

SHAIRA DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with