Carlo, nilalaban ang visitation rights sa anak

Mithi at Trina
STAR/ File

Umabot na sa korte...

Nilalaban pala ngayon ni Carlo Aquino sa korte ang visitation rights sa anak nila ni Trina Candaza na si Enola Mithi na nag-celebrate ng 3rd birthday three days ago.

Ayon sa source ni Gorgy Rula ng Pilipino Star NGAYON, spotted sa Quezon City Regional Trial Court si Carlo kasama ang anak.

Naunang sinabi ni Carlo sa isang interview namin na mas apektado at emosyonal siya dahil hindi niya nakikita at nakakasama ang anak. “Ang nakakaapekto lang talaga sa akin is hindi ko nakikita ‘yung daughter ko since November.”

Nag-reach out na raw siya noon kay Trina, last January ito.

“Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her, ‘di ba. Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kelan ko puwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganun po, eh. Wala pong sagot. Siyem­pre importante ‘yung time with me, ‘yung time din with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sila mommy at daddy. Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin, ng mga kailangan nila,” pahayag nito noon.

Show comments