Eat Bulaga malapit nang makuha ng TVJ?!   

Hinihintay pa rin hanggang ngayon nina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon (TVJ) na maibalik sa kanila ang titulong Eat Bulaga na gusto nga nilang magamit para sa bago nilang noontime show sa TV5.

Sa ngayon kasi ay E.A.T ang titulo ng kanilang show sa Kapatid network. “Hinihintay namin ‘yung pagbalik ng pangalan na tawag sa amin ng ating mga kababayan. So, hinihintay lang natin ‘yun. Nasa kamay na ito ng mga awtoridad, alam nila kung ano ang dapat,” pahayag ni Tito Sen sa panayam ni MJ Marfori.

Overwhelmed naman ang nakatatandang kapatid ni Bossing Vic sa malaking tagumpay ng pilot airing nila last Saturday at labis-labis ang pasasalamat niya sa ipinakitang pagmamahal ng ating mga kababayan sa kanila.

Marami pa raw dapat abangan sa noontime show especially ang mga bagong segments na gagawin nila.

Willie, tumangging mag-guest sa EB?!

Inalok pala si Willie Revillame para mag-guest sa Eat Bulaga ng TAPE, Inc sa GMA-7 noong July 1, Saturday, pero tinanggihan daw ito ng TV host.

Ito ang ibinalita ni Cristy Fermin sa kanyang Cristy Ferminute program kahapon. “Alam n’yo po ba na nun’g nakaraang Friday ay nagkita-kita po si Willie Revillame at ang magkapatid na Jalosjos,” tsika ni Nay Cristy.

Ang tinutukoy niyang magkapatid ay sina Jon-jon and Bullet Jalosjos ng TAPE, Inc na siyang producer ng “Eat Bulaga.”

Kwento pa ni Nay Crisy, inalok daw ng magkapatid si Willie na lumabas sa Eat Bulaga noong July 1 para raw tapatan ang noontime show ng TVJ sa TV5.

 “Isa lang ang sinabi ni Willie. ‘Matindi ang respeto ko sa Tito, Vic and Joey. Hindi ko magagawa ‘yun.’ Ang ganda, ‘di ba?” kwento ni Nay Cristy.

Sey pa raw ni Wilie sa Jalosjos brothers, “pero kung ang dahilan kung bakit n’yo ako kaharap ngayon ay ang Wowowin, sige pag-usapan natin.”

Ang Wowowin ang dating show ni Willie sa GMA-7.

Sey pa ni Nay Cristy, magkababayan din daw kasi sina Tito Sen, Vic, and Willie. Pawang mga taga-Cabanatuan daw ang mga ito. “Malalim pagka ganun’g may regional nang pinag-uusapan, ‘di ba? Kaya sinabi niya, tinanggihan niya talaga, ‘hindi ako pupuwedeng lumabas sa programa n’yo.’ Ayon, ‘di ba, napakaganda para kay Willie?” sey pa ni Nay Cristy.

Gerald, nag-iipon na para sa future nila ni Julia

Itinanggi ni Gerald Anderson na kasal na sila ni Julia Barretto sa panayam sa kanya ni Isko Moreno on his Iskovery Nights Season 2 vlog.

Pero inamin naman niyang may plano naman silang pakasal in the coming years. “Of course, of course. In the coming years, pero medyo parang… sigurista ako eh, gusto ko parang nandoon na… gusto ko relax, medyo relax tayo, hindi na kailangang laging nagpupuyat sa trabaho,” sey ni Gerald.

Noon pa nga ay nababanggit na ng aktor na talagang pinaghahahandaan na niya ang future nila at gusto muna niyang maging financially stable talaga bago lumagay sa tahimik. Kaya nga raw sige-sige siya sa pagtatrabaho ngayon at pagnenegosyo bilang paghahanda na rin sa future ng kanyang pamilya once na mag-settle down siya.

Show comments