Kelvin, pinu-push na next matinee idol

Kelvin

Cute naman si Kelvin Miranda. At ang daming nagpu-push sa kanya para maging next matinee idol.

Lalo na ngayon na parang kulang ang star na nagagamit. Saka sabi ni Gorgy Rula sobra raw professional si Kelvin kaya dapat magtagumpay.

Bongga talaga ang kanyang pananalig kay Kelvin Miranda kaya sure akong malalagpasan niya lahat ng kasabay niyang actor.

Mga maedad na inaalagaan ang isa’t isa, nagbibigay ng pag-asa

Pinaka-romantic tingnan ‘yung dalawang senior citizen na inaalagaan ang mga partner nila sa buhay. Ang gandang tingnan ang mga asawang lalaki na umaalalay sa asawa nila habang nagpapa-check up, at matiyagang naghihintay habang nasa loob ng clinic ang asawa nila.

Ang romantic tingnan ‘yung matandang nagho-holding hands habang naglalakad.

Totoo na ang gandang tingnan na may relasyon na nagtatagal at umaabot ng mahabang panahon hanggang pagtanda.

Sweet na sweet tingnan kaya nagbibigay ng pag-asa sa marami.

Ang sarap tingnan habang inaalagaan ng senior na lalaki ang senior niyang asawa.

Show comments