^

Pang Movies

Breakup nina Enrique at Liza, ‘di matanggap ng fans

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Breakup nina Enrique at Liza, �di matanggap ng fans
Enrique Gil at Liza Soberano

May hatid na bad news sa LizQuen fans ang dating manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz.

Sa latest vlog ng talent manager/vlogger ay sinabi niyang ayon sa kanyang source ay hiwalay na raw talaga si Liza at ang boyfriend na si Enrique Gil.

Ang dahilan diumano ng hiwalayan ay gusto raw ni Liza na mag-focus sa kanyang career.

“Ang nakarating sa atin ay hiwalay na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Hindi ko alam kung pareho nilang gusto ‘yon pero ang nakarating sa atin ay choice ni Liza na tutukan muna ang kanyang career programming. Kaya wala na raw,” ang tsika ni Ogie.

Ayon pa raw sa kanyang source ay tina-try pa rin daw i-save ni Quen ang relasyon.

“Ang nakarating sa atin, si Enrique ‘yung nagpu-push pa na baka kaya pa, na baka posible pa ring maituloy. Pwede naman niyang i-allow si Liza kung ang gusto man ni Liza ay tuparin ang kanyang Holywood dream, ‘di ba?” sey ni Ogie.

Ang isa ngang maituturing na patunay na hiwalay na ang LizQuen ay nang dumating si Liza sa bansa kamakailan na hindi alam ni Quen. Na hindi ang boyfriend ang sumundo sa aktres sa airport kundi ang kanyang management.

Nanghihinayang si Ogie sa eight years na relasyon ng mga ito.

“Sana, hindi totoo na hiwalay na sila. Sana, kung meron mang gap or meron mang mga ‘di pagkakaunawaan, miscom (miscommunication), misunderstanding, ma-patch up. Sayang, ilang taon din sila, eight years. Sayang din ‘yun, ‘di ba?” aniya.

Pero if true naman, sana naman daw ay maayos ang paghihiwalay ng dalawa at natapos na magkaibigan pa rin.

Nalulungkot din si Ogie kung sakaling hiwalay na nga sina Liza at Quen dahil nasaksihan daw niya kung gaano kaganda ang relasyon ng dalawa.

Max, naiiyak na ang hiwalayan nila ni Pancho Magno

Kinumpirma na ni Max Collins na matagal na silang hiwalay ng asawang si Pancho Magno.

Inamin ito ng aktres sa unang pagkakataon sa guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda na inere last Monday.

Hindi na idinetalye pa ng aktres ang naging dahilan ng hiwalayan.

Tinanong ng host na si Boy Abunda si Max kung ano ang natutunan ng aktres sa naging relasyon at sey niya, “you have to respect yourself and love yourself enough to leave the table when your needs aren’t being met.”

She added, “this does not go for everyone, I’m sorry if I offend anyone, but that’s something that I have learned I need to love myself more to know what makes me happy and what can make me the best version of myself because you only have one life to live.”

When asked kung umiyak ba siya, sey ng aktres, “yes, nailabas ko na.”

Maayos naman daw ang co-parenting set-up nila ni Pancho sa kanilang anak na si Skye.

“We’re in a very good place now. Our child is almost three (years old) and he is very happy, and healthy and we’re so blessed that we have a very good co-parenting relationship. We’re the best of friends. We’re closer now,” she said.

Sa ngayon ay busy si Max sa kanyang TV series with Sen. Bong Revilla and Beauty Gonzalez, ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis na magsisimula na ngayong June 4.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with