^

Pang Movies

Sikat na aktres, muntik magbayad sa utang ng sis-in-law

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Muntik nang sagutin ng isang sikat na aktres ang pagkakautang ng sister-in-law niya na hindi na masyadong aktibo sa showbiz.

Halos umabot sa P40M ang nalokong pera sa hipag ng aktres, huh! So kaliwa’t kanang loan sharks ang pinatulan ng dating aktres para makabayad nang unti-unti sa utang.

That time kasi, nagpapagawa ng bahay ang sikat na aktres. Eh likas ang kabaitan ng aktres lalo na nga’t sa taong mabait sa kanya kahit hiwalay na ang sister-in-law sa una nitong asawa, huh!

Gumawa na lang ng paraan ang bagong asawa ng dating aktres upang unti-unting makabayad sa utang.

Marian, may bagong endorsement

Naku, isa na namang produkto ang nagtiwala kay Marian Rivera.

Eh baby products ang mga ito at pasado sa panlasa ni Yan kaya hindi na nahirapan ang may-ari ng products na kumbinsihin siyang maging endorser.

Alam kasi ng owner ng produkto na hands-on mother si Marian sa dalawang anak. Kumbaga, talagang gagamitin niya ang mga ito para sa mga anak.

Soon, malapit na ninyong mapanood si Marian sa isang GMA series bilang tugon sa kahilingan ng mga nagmamahal sa kanya!

vuukle comment

MARIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with